RSS

Mutya: Mga Santong Tao ni Tomas Remiglo at Ang Sistema ni Propesor Tuko ni Al Santos

22 Jul

Ang dalawang tula na amin pinanood noong ika-18 ng Hulyo sa Rizal Mini theater (RMT) ay ang “Mga Santong Tao” ni Tomas Remiglo at “Ang Sistema ni Propesor Tuko” ni Al Santos.  Ang dulang “Mga Santong Tao” ay ang unang pinalabas. Ito ay tungkol samag-asawang Titay at ambrosia, at ang tatlong makapangyarihang  na tao sa lipunan nuung panahon iyon – ang kura, ang sacristan mayor at ang piskal. Ipinakita sa tula kung papaano nilinlang ni titay ang tatlo para makakuha ng pera. Ang “Sistema ni Propessor Tuko” ay tungkol naman sa pagsisikap ng apat na estudyante ni propesor Tuko na si Bodyok, Ningning, Bondying,at si kiko. Ang dula ay umiinog sa kung papaano ng pinagtulungan ng mga estudyante ang pag ayos ng baluktot at mapang-aping estilo ng pagtutuo ng kanila propesor Tuko.

            Ang masasabi ko na ang dalawang dula ay parehong tradisyonal at moderno ang pagkakaisadiwa nito. Nasabi ko ito dahil hindi lamang may tradisyonal na mensahe  ang tema ng kwento dula  kundin pati narin ito ay inilarawan sa tradisyonal angulo.

            Sa dulang “Mga santong Tao” makikita  na ito ay  nasa tradisyonal na aspekto  dahil ang mga kaganapan ng dula ay noong panohon ng kastilla kung saan ang mga taong may kapangyarihan at pera ay ang kura, sakrsitan mayor at ang piskal. Ipinakita din sa dula kung papaano pinahiaya ng mag-asawa ang simbahan at pamahalan upang maitigil ang pag aabuso nito. Ito ayang papakita ng  pag mamahal ng dalawang magirog at ang pagmamahal sa sa bansa. Moderno naman ito dahil sa pagaya ng dula sa mga modern pop culture, isang halimbawa ay ang sakirstan sa dula, inilarawan siya na parang bampira sa kanyang pag-akit kay titay,parang Edward Cullen sa pelikulang twilight ang kanyang persona sa dula .

 

            Sa dulang “Ang Sistema ni Propesor Tuko” makikitana ito ay modern ngunit pwede din ituring na isang klasikong o tradisyonal dahil sa mensaheng ito na baguhin ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Sa dula makikita na ang sistema na ginagamit ni propersor Tuko ay pareho pa din kahit labing dalawang taon na ang nakalipas. Ang hindi pagbabago ng sistema ng edukasyon ang dahilan kung bakit hindi umuulad an gating bansa. Ang mensaheng na dapat baguhin ito para umulad an gating bansa ay isang dahilan kung bakit ang dula na ito ay maituturing tradisyonal. Nasasabi ko na ito ay modern sapagkat makikita sa dula ang pagkakahati ng mga tao sa lipunan. Makikita sa “setting” ng dula na ang lugar kung saan sila nag aaral ay sa tambakan ng basura pati na din ang mga muka ng mga actor ay parang sila ay mga batang langsangan. Si propesor tuko din na pwersahang kumuha ng pangalawang trabaho dahil sa kahirapan.  

 
Leave a comment

Posted by on July 22, 2012 in Uncategorized

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: